Friday, August 19, 2011

Hoy! ikaw! oo ikaw! basahin mo ito!


Bakit hindi ko magawang mainis sa’yo?
Makita lang kita mula sa malayo, nanlalambot na ang tuhod ko. Makasama lang kita, sumasakit na tiyan ko. Matignan ko lang ang mga mata mo, bumibilis na ang tibok ng puso ko. Sa tuwing mapapalapit ka sa akin, nakakalimot na ako sa sarili ko. Sa tingin ko, masama na ang epekto mo sa akin at sa buhay ko.
Sa tingin ko, kailangan ko na lumayo sa’yo. Mapanganib ka.
Ikaw ang pinakamapanganib na tao sa buhay ko. Hindi ko alam kung paano ko nagawa o kung paano ko hinayaang pumasok ka sa buhay ko. Ngayon, natutuwa at nagsisisi ako sa mga ginawa ko. Masyado nang malaki ang damyos na naidulot mo sa akin. At nakakainis isipin na handa akong tanggapin ang lahat ng iyon, kahit ano pang bagyo o delubyo ang dumating, makasama lang kita, ayos na sa akin. (At sa pagsasabi ko ng ayos, ibig kong sabihin, ayos lang kasi, ikaw na ang pinakaayos na nangyari sa buhay ko kahit gaano pa kasakit ang mga posibleng mangyari, kinaya, kinakaya, at pilit kong kakayanin ang lahat ng iyon. Dahil sayo. Oo. Ikaw nanaman. Dahil sayo.)
Kung sakali man na dumating ang panahon na manghina ako, sana ikaw naman ang umalalay sa akin kasi hindi ko ata kakayaning magpatuloy sa buhay kung wala ka.
Masakit isipin na ganun ang epekto mo. Kahit na hindi ko gusto ang nangyayari ngayon dahil sa hirap nito, gugustuhin ko kasi gusto kita, kailangan kita, ngayon at habang buhay. Ikaw lang. Wala nang iba. At sana…
Sana ganun ka rin.

No comments:

Post a Comment