Saturday, January 14, 2012

Ikaw Pa Rin


Batid kong hindi maibabalik
Ang matatamis mong mga halik
Ang ating naging nakaraan
Hinahanap-hanap ko kailanman



Araw-araw ikaw ang nasa isip,
Gabi-gabi ay madalas nasa panaginip.
Ikaw lamang ang laman ng puso ko,
Itong puso ko na para lamang sa'yo.



Sa kabila nitong aking mga ngiti,
May mga luhang umaagos sa pisngi.
Sana sa puso ko ika'y mawala,
dahil nagsimula kang umibig ng iba.



Ang iyong pagkawala ay di matiis,
Ang makapisan ka'y aking ninanais.
Tanging hangad ang iyong mga yakap,
Ang iyong mga tawag lamang ang hinahanap.



Naaalala ko pa ang nakalipas,
Ikaw ang puno ng aking lakas.
Hindi na makatulog sa kaiisip,
Laman ng iyong puso, sana'y masilip.



Bakit kita'y minamahal pa rin,
Kahit may iba ka nang iniibig.
Sa buhay ko ikaw lamang ang inspirasyon,
Umaasa na sana'y ibalik ang ating kahapon.



Ayoko pa sanang mawalay sa'yo
Ngunit parang iyon ang nais mo
Sana ay pigilan mo ako,
Dahil hindi pa wakas ang pag-ibig ko sa'yo.



Sa iyong mga galaw ako pa rin ay naaakit,
Ang matanaw ka'y nagdudulot ng sakit.
Alam kong utak lamang ang marapat na gamitin,
Ngunit sabi ng puso ko'y IKAW PA RIN. 


My love Is Here

-jhay-

No comments:

Post a Comment