Friday, November 25, 2011

Palimos



Para akong pulubi na nanglilimos
ng pag-ibig mula sa'yo.
Para akong batang musmos
na humihingi ng pagmamahal mula
sayo,
Limusan mo sana ako
kahit kaunting pagtingin
nang ang pag-ibig at buhay ko ay
maging makabuluhan.
Sa bawat limos na ibibigay mo sa
akin ay tatanawin kong utang na loob
At dadalhin ko hanggang sa kabilang
buhay.
Muli, palimos.

No comments:

Post a Comment