Friday, November 25, 2011

Isang Paglilimi

Mahirap magmahal
Ng isang taong kaylapit
Ngunit kaylayo sa paningin
Katabi mo subalit
'Di mo maaaring salingin
O halikan, yakapi't mahalin
Na ang magagawa mo lamang
Siya ay tanawin
At sabihing mahal mo siya
Sa pamamagitan ng hangin.

Mahirap ipaglaban
Ang pag-ibig na tapat
Kung sa pag-unawa ng lahat
Ay salat
Gaano man karubdob
Pagmamahal sa kanya
Kung ang buong mundo 
Ay tutol sayo
Para ka ring nangarap
Umasam, naghangad ng
Isang bagay na
Malayong matupad.

Ngunit magkaganoon man
Isipin mo na lamang
ang lahat ng bagay
Malaki o maliit man
Ay mayroong katapusan
Maghintay, maghintay,
Maghintay ka lamang
Para sa katuparan ng
Pag-ibig mong asam.

No comments:

Post a Comment