Monday, September 26, 2011

Mahirap Makalimot

Kung pwede mo lang gamitan ng “Ctrl + Z” ang buhay, matagal mo na sigurong ginawa yun. Hindi naman dahil nagsisisi ka sa kung ano man ang meron ka ngayon, kundi alam mong mas masaya kung may pagkakataon kang baguhin ang mga nangyari sa kasalukuyan. Hindi madaling burahin ang ala-ala ng isang tao sa buhay mo. Lalo na yung katulad niya. Sabi nila time heals all wounds. Talaga bang naghihilom? O sinasanay lang tayo ng oras sa sakit na nararamdaman natin sa kasalukuyan. Yun lang naman yun eh. Masaya na ko para sayo. Kahit masakit. Ayos lang, sanay ka naman na. Sanay ka nang masaktan. Wow.


No comments:

Post a Comment