Monday, September 26, 2011

ANO'NG GINAGAWA MO PAG BADTRIP KA?


May TIPS ako para dyan:

1. May kasabihan: “It happens to everyone.”
Totoo di ba? Life is fair. Hindi lahat puro saya, puro madali, puro kontrolado. Minsan talaga may mga tao o bagay o pangyayaring pasaway. Kahit presidente ka pa, artista o tambay lang sa tindahan, wala kang ligtas. Kung ikaw ay isang taong walang problema, aba e, malaking problema yan.

 2. May kasabihan ulit: “What doesn’t kill you only makes you stronger.”
Tama ulit. Isipin mo na minsan kailangang mong mapagdaanan ang mga pagsubok para masukat mo kung hanggang saan ang kaya mo at malaman ang sarili mong mga kahinaan. Pag nalampasan mo yun at buhay ka pa, pasalamat ka. Pero dapat lagi ka pa ring handa, dahil ang badtrip laging nandyan lang yan.

3. Isa pang quote: “You’ve got a friend.”
Siguradong may mga kaibigan ka. Isang libo man yan o dadalawa lang, may kaibigan pa rin. Sa totoo lang, sa mga panahon na down ka, naiinis, nangangailangan o namomroblema, dito mo malalaman kung sino talaga sila. Sapat nang may isa lang sa kanila ang tatakbo sa yo para makinig, mag-comfort, mag-advise at tumulong.

4. Libangin ang sarili.
Minsan kasi kailangan din ng tao ang mga tinatawag na “DIVERSIONS” o mga bagay na iiwas sa atensyon nya at kadalasan ito yung mga bagay na ginagawa nya para malibang at sumaya. Kung mahilig ka sa music, mag soundtrip ka. Napatunayan na na may therapheutic benefits ang pakikinig sa mga paborito mong kanta. O kaya makipagchat ka, manood ng pelikula, magbasketball, sumayaw, magbasa, mag-Facebook. Maraming mas matitinong bagay na pwedeng gawin kesa sa magmukmok sa isang sulok.

5. Last but not the least: “Laughter is the best medicine.”
Simple lang. Tawa lang. Kahit walang nakakatawa, kahit parang sira ulo ka na, tawa ka lang. Ang nangyari ay nangyari na at wala ka nang magagawa dun. Pero walang makakapigil sa yo kung gusto mong tumawa. I replay mo sa isip mo ang mga funny experiences mo o ng mga kaibigan mo. O kaya yung narinig mong joke sa kanto. O kaya nung una kang ma in-love. Kung nahihirapan ka, tawagin ang kapitbahay at ipahanap ang mga kiliti mo sa katawan.






--katrina

No comments:

Post a Comment