Mabait sa akin si Mommy at Kuya lahat ng pangangailangan ko naibibigay nila. Nung grade school ako lagi ako nasa TOP minsan nga naiingit ako sa mga classmates ko kasi nandiyan yung magulang nila para sabitan ng award, si Mommy kasi mahiyain tsaka medyo matanda na rin kaya hindi siya nakakapunta sa awarding event. At noong nag high school na ako hindi pa rin maalis sa isipan ko ang katotohanan pag tinatanong ako ng mga kaibigan ko about sa family ko sinasabi ko na lang "menopause baby kasi ako e kaya ganun agwat namin magkakapatid" naniniwala naman sila. Si Mommy naging mainitin na ang ulo lagi na akong napapagalitan at minsan naikukumpara na rin ako sa ibang tao. Doon na ako naging emotional at sensitive. Minsan sinasabi ko sa aking sarili na sana katulad ako nila ate at kuya. Matatalino kasi sila e si kuya Valedictorian nung high school, ate kong panganay Cumlaude nung College at yung ate kong pangalawa Salutatorian nung elementary wala talaga akong panama sa kanila. Kaya nga pinagbubutihan ko na lang ang pag-aaral ko para kahit papaano magka award ako hindi na ako naghahangad na maging honor.
At ngayon ay College na ako lalong naging masungit si Mommy. Dito na ako nagagalit sa kanya ng palihim. Hindi ko alam kung bakit na lang siya naiinis sa akin, dahil ba sa ampon lang ako? dahil ba hindi niya ako tunay na anak? gusto ko kahit papaano magkaroon ako ng tiwala at pagmamalaki sa sarili ko kaso hindi magawa dahil sa una pa lang kahit yung tinuturing mong pamilya e hindi ka kayang ipagmalaki. Kaya thankful ako kasi kahit papaano may mga kaibigan ako pero sa mga kaibigan ko unti-unti na din silang nawawala. Nung papasok ako sa school, late naman talaga ako pumasok kasi late din na pumasok yung Professor namin bigla niya ako sinabihan "Hindi ka magiging Professional!", napaiyak ako bigla! hindi ko akalain na masasabi iyon ng Mommy ko! at sobrang sakit! dahil Mommy ko pa ang nagsabi sa akin ng ganun.
Simula nun ang tingin ko na sa sarili ko walang kwenta,bobo,walang future. Ganun na kababa tingin ko sa sarili ko. At minsan kapag may nang aaway sa akin ako pa ang pinapalabas na masama sa advice niya sa akin. Minsan sabi ko sa sarili ko sana hindi na lang ako nabuhay sa mundo kung ganito lang naman din nangyayari sa akin. Ang sakit isipin na hindi ka sinusuportahan ng pinakamamahal mong magulang.Kaya nga ngayon gusto ko makatapos para bumukod na akotutal nararamdam ko naman na mag-isa ako sa buhay,pinipilit ko na lang suportahan ang sarili ko emotionally,mentally and physically at ako na lang ang nagtitiwala sa sarili ko. Pero sa lahat ng iyon ay hindi ko pa rin nakakalimutan na binigyan ako ni Mommy ng edukasyon at nagpapasalamat din ako sa pagpapalaki ni Mommy sa akin ng maayos.
Tama nga sila huwag mong kakalimutan ang Diyos dahil siya lang ang makakaintidi sayo at magmamahal sayo ng nais mong maramdaman. Sa ngayon ang ginagawa ko na lamang hindi ko na pinapakinggan mga sinasabi ni Mommy. Iniisip ko na lang ang mga gusto kong gawin sa buhay.
No comments:
Post a Comment