Simula nun hindi na ako napanatag , nagseselos na talga ako kahit facebook niya tinitignan ko lalo na yung message. May nabasa galing kay Helga,tinanung ko si Lee sabi ko "bakit ganun?! nagsasawa ka na ba sa akin??" still denila prince pa rin si Lee. Habang nagbabasa ako ng message sa facebook niya biglang nag chat yung Helga akala niya siguro ako si Lee, ang sabi ni Helga sa chat "I love you! mwuah!napuyat ka ba sa akin kagabi?" napaiyak ako at nanginginig sa galit tinawagan ko si Lee habang nasa school siya at sinabi ko sa kanya yun ang sagot niya "tinulungan ko lang siya sa assignment niya sa Chemistry" sabi ko "so kailangan may I love you talaga?" binabaan ako ng phone sabi niya may klase pa siya. As days goes by lagi ko na siya inaaway dahil dun dumating sa point na gusto na niyang makipaghiwalay sabi ko "ayaw ko! hindi ko kaya!"
umiiyak ako habang sinasabi ko yun, sabi niya "hindi ko na matagalan ugali mo!" sabi ko "huwag kang gumawa ng kwento at ipalabas na ako ang may kasalanan at ikaw pa ang niloko!" sabi niya " ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na wala nga kaming relasyon ni Helga! buo na desisyon ko ayaw ko na, ayaw ko na sa ugali mo sorry! tama na!" sabi ko " sige kung ako ang may kasalanan o mali bigyan mo ako ng pagkakataon na magbago, sabihin mo lahat ng ayaw mo babaguhin ko para sa iyo wag mo lang ako iwan." sabi niya " sorry ayaw ko na talga." nanikip ang dibdib ko at naninigas ang buong katawan ko iniisip ko gusto ko ng mamatay. Sa tatlong taon namin, basta basta na lang niya itatapon ang lahat para lang sa babaeng impakta na iyon! ang sakit! sakit! Pagkatapos ng mga nangyari, hindi ako lumabas ng bahay at hindi ako kumakain at nung medyo ok na ako nagbukas ako ng facebook ko tinignan ko yung profile ni Lee, naka in a relationship na siya kay Helga, napaiyak na naman ako inisip ko kaya niya ako ipagpalit sa isang taong di pa niya nakikita.
Ngayon ok na ako naka move on na kahit papaano pero sa totoo lang galit na galit ako kay Lee hindi ko siya mapapatawad sa kasinungalingan at panloloko niya sa akin.
Hindi talaga natin masasabi na ang taong mahal mo e yun na ang makakasama mo habang buhay maaaring pinagtagpo lang kayo ng tadhana pero hindi kayo itinakda para sa isa't-isa.
No comments:
Post a Comment