Thursday, May 12, 2011

Who am I?


            I am unlucky with family, unlucky with relationships, unlucky with friendships too? Where are they? Do they think of me? I hope it's yes because I really do miss them my friends who makes me happy. But why they need to disappear in my life? Am I selfish? Sorry for being self-interested they know that they are the only people who gives me strength when I was weak. It so sad and tearful because little by little they are fading away. No one will talk to me when I'm in trouble and no one will give me advice when I have problems. It's hard to be alone. They are welcome in my life but if they don't want me to be their friend, it's hurts but I need to accept it. I don't know the reason why they gone little by little perhaps the problem is in me. I'm sorry for that it's hard that the only one who helps you is yourself. If they are happy now to their new friends well, glad to hear and I'm happy for them and it's pity think that they're forgetting me already. Thanks for all the good times and thanks for giving me a chance to be their friend. It is difficult to face and accept the truth I am now ALONE........




Scarlet Story

            I'm Scarlet 18 years old studying at Rizal Technological University taking up BS Education Major in English. Bata pa lang ako naramdaman ko na nag-iisa na ako kahit na nandiyan si Mommy at Kuya. Kinder pa lang ako, ako na lagi ang pumapasok at umuuwi na mag-isa sa school minsan naman nakikisabay na lang ako sa mga kapitbahay ko na classmates ko din na kasama ang kanilang mga magulang. May Mommy ako, kuya na kasama namin sa bahay at dalawang ate na may mga asawa na at wala na akong Daddy sabi ni Mommy namatay daw si Daddy dahil sa heart attack. Masaya ako dahil sila ang pamilya koat ang swerte ko dahil isa akong dugong Dela Vega. Nung grade one ako may nalaman ako na hindi ko matanggap sa sarili ko. Nakakapagtaka nga naman dahil si Mommy para ko ng lola at ang aking mga ate at si kuya ay pwede ko na silang maging Mama at Papa. Ipinagtapat sa akin ni Mommy na hindi niya ako tunay na anak, ang sakit sa pakiramdam grade one pa lang ako nun pero parang ang matured na ng pag-iisip ko. Sinabi ni Mommy na ang aking tunay na ay si Auntie Madel ang kwento ay inigay ako ni Auntie Madel kay Mommy dahil hindi daw niya ako kayang buhayin dahil may anim siyang anak at may kambal pa (isa ako dun sa kambal) dahil naninilbihan siya sa aming pamilya kaya tinanggap ako ni Mommy. Dahil bata pa ako nun akala nila wala lang sa akin yun pero habang lumalaki ako dala ko pa rin ang katotohanan na nagdadala sa akin ng kahihiyan at pagkabigo.
          Mabait sa akin si Mommy at Kuya lahat ng pangangailangan ko  naibibigay nila. Nung grade school ako lagi ako nasa TOP minsan nga naiingit ako sa mga classmates ko kasi nandiyan yung magulang nila para sabitan ng award, si Mommy kasi mahiyain tsaka medyo matanda na rin kaya hindi siya nakakapunta sa awarding event. At noong nag high school na ako hindi pa rin maalis sa isipan ko ang katotohanan pag tinatanong ako ng mga kaibigan ko about sa family ko sinasabi ko na lang "menopause baby kasi ako e kaya ganun agwat namin magkakapatid" naniniwala naman sila. Si Mommy naging mainitin na ang ulo lagi na akong napapagalitan at minsan naikukumpara na rin ako sa ibang tao. Doon na ako naging emotional at sensitive. Minsan  sinasabi ko sa aking sarili na sana katulad ako nila ate at kuya. Matatalino kasi sila e si kuya Valedictorian nung high school, ate kong panganay Cumlaude nung College at yung ate kong pangalawa Salutatorian nung elementary wala talaga akong panama sa kanila. Kaya nga pinagbubutihan ko na lang ang pag-aaral ko para kahit papaano magka award ako hindi na ako naghahangad na maging honor.
          At ngayon ay College na ako lalong naging masungit si Mommy. Dito na ako nagagalit sa kanya ng palihim. Hindi ko alam kung bakit na lang siya naiinis sa akin, dahil ba sa ampon lang ako? dahil ba hindi niya ako tunay na anak? gusto ko kahit papaano magkaroon ako ng tiwala at pagmamalaki sa sarili ko kaso hindi magawa dahil sa una pa lang kahit yung tinuturing mong pamilya e hindi ka kayang ipagmalaki. Kaya thankful ako kasi kahit papaano may mga kaibigan ako pero sa mga kaibigan ko unti-unti na din silang nawawala. Nung papasok ako sa school, late naman talaga ako pumasok kasi late din na pumasok yung Professor namin  bigla niya ako sinabihan "Hindi ka magiging Professional!", napaiyak ako bigla! hindi ko akalain na masasabi iyon ng Mommy ko! at sobrang sakit! dahil Mommy ko pa ang nagsabi sa akin ng ganun.
           Simula nun ang tingin ko na sa sarili ko walang kwenta,bobo,walang future. Ganun na kababa tingin ko sa sarili ko. At minsan kapag may nang aaway sa akin ako pa ang pinapalabas na masama sa advice niya sa akin. Minsan sabi ko sa sarili ko sana hindi na lang ako nabuhay sa mundo kung ganito lang naman din nangyayari sa akin. Ang sakit isipin na hindi ka sinusuportahan ng pinakamamahal mong magulang.Kaya nga ngayon gusto ko makatapos para bumukod na akotutal nararamdam ko naman na mag-isa ako sa buhay,pinipilit ko na lang suportahan ang sarili ko emotionally,mentally and physically at ako na lang ang nagtitiwala sa sarili ko. Pero sa lahat ng iyon ay hindi ko pa rin nakakalimutan na binigyan ako ni Mommy ng edukasyon at nagpapasalamat din ako sa pagpapalaki ni Mommy sa akin ng maayos.
            Tama nga sila huwag mong kakalimutan ang Diyos dahil siya lang ang makakaintidi  sayo at magmamahal sayo ng nais mong maramdaman. Sa ngayon ang ginagawa ko na lamang hindi ko na pinapakinggan mga sinasabi  ni Mommy. Iniisip ko na lang ang mga gusto kong gawin sa buhay.





Wednesday, May 11, 2011

No one can tell you what's right or wrong but in the end if you're not careful you could really get burnt (Kresha and Lee story)

            I'm Kresha and may boyfriend ako, siya si Lee. Naging mag-on kami since 4th year high school, masaya kami, minsan di maiiwasan ang pag-aaway ay siyempre mahal na mahal namin ang isa't-isa. Umaabot kami ng 1 year, 2 years at nung malapit na kami mag 3 years medyo nagkakalabuan na. meron nakilala at naka chat sa facebook, ang pangalan ay Helga. Nakukwento niya parati sa akin iyon na si Helga mabait daw at pati ang nanay nung Helga ka chat din ni Lee dahil may hindi pagkakaintindihan si Helga at ang kanyang Ina.Ang sabi ko lang kay Lee, "Naks! ang bait naman ng honey ko,advicer na! ang galing!". Pero hindi sumagi sa isipan ko na may something na sa kanila ni Helga. Hanggang sa ilang linggo always na sila magka chat. Nung pumunta dito si Lee sa bahay kinuha ko ang cellphone niya, nakita ko may text sa kanya si Helga wala naman meaning pero sa sent items ni Lee binura niya mga text niya para kay Helga, hinayaan ko lang yun dahil alam kong hindi ako ipagpapalit doon ni Lee dahil isa lamang yun high school student at kami ay college na. Nung gabing iyon nagtext sa akin si Lee sabi niya mag smart muna daw siya kasi itetext daw niya yung pinsan niya bukas na lang daw mag globe ulit. Doon ako nagduda dahil si Helga ay smart user, naisip ko na baka siya nag smart e para makatext lang si Helga. Pinalagpas ko ulit iyon dahil nga may tiwala ako kay Lee. Araw-araw pumupunta dito sa bahay si Lee, nung pumunta siya ulit sa  bahay namin pinakialaman ko na naman ang kanyang cellphone tinignan ko ang inbox at sent items niya natuwa ako dahil wala akong nakita na name na Helga sa inbox at sent items niya pero nung tinignan ko ang drafts niya may nabasa ako, naka save dun ang address ni Helga,nagalit ako kay Lee sabi ko"walang hiya ka! ano?!pupuntahan mo ito?pupunta mo yung Impakta!!" sabi niya"wala lang yan!".
            Simula nun hindi na ako napanatag , nagseselos na talga ako kahit facebook niya tinitignan ko lalo na yung message. May nabasa galing kay Helga,tinanung ko si Lee sabi ko "bakit ganun?! nagsasawa ka na ba sa akin??" still denila prince pa rin si Lee. Habang nagbabasa ako ng message sa facebook niya biglang nag chat yung Helga akala niya siguro ako si Lee, ang sabi ni Helga sa chat "I love you! mwuah!napuyat ka ba sa akin kagabi?" napaiyak ako at nanginginig sa galit tinawagan ko si Lee habang nasa school siya at sinabi ko sa kanya yun ang sagot niya "tinulungan ko lang siya sa assignment niya sa Chemistry" sabi ko "so kailangan may I love you talaga?" binabaan ako ng phone sabi niya may klase pa siya. As days goes by lagi ko na siya inaaway dahil dun dumating sa point na gusto na niyang makipaghiwalay sabi ko "ayaw ko! hindi ko kaya!"
umiiyak ako habang sinasabi ko yun, sabi niya "hindi ko na matagalan ugali mo!" sabi ko "huwag kang gumawa ng kwento at ipalabas na ako ang may kasalanan at ikaw pa ang niloko!" sabi niya " ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na wala nga kaming relasyon ni Helga! buo na desisyon ko ayaw ko na, ayaw ko na sa ugali mo sorry! tama na!" sabi ko " sige kung ako ang may kasalanan o mali bigyan mo ako ng pagkakataon na magbago, sabihin mo lahat ng ayaw mo babaguhin ko para sa iyo wag mo lang ako iwan." sabi niya " sorry  ayaw ko na talga." nanikip ang dibdib ko at naninigas ang buong katawan ko iniisip ko gusto ko ng mamatay. Sa tatlong taon namin, basta basta na lang niya itatapon ang lahat para lang sa babaeng impakta na iyon! ang sakit! sakit! Pagkatapos ng mga nangyari, hindi ako lumabas ng bahay at hindi ako kumakain at nung medyo ok na ako nagbukas ako ng facebook ko tinignan ko yung profile ni Lee, naka in a relationship na siya kay Helga, napaiyak na naman ako inisip ko kaya niya ako ipagpalit sa isang taong di pa niya nakikita.
            Ngayon ok na ako naka move on na kahit papaano pero sa totoo lang galit na galit ako kay Lee hindi ko siya mapapatawad sa kasinungalingan at panloloko niya sa akin.
            Hindi talaga natin masasabi na ang taong mahal mo e yun na ang makakasama mo habang buhay maaaring pinagtagpo lang kayo ng tadhana pero hindi kayo itinakda para sa isa't-isa.



There are 5 stages in grief

1) Denial.




2) Angry.




3) Argue.




4) Depression.




5) Acceptance.



Sunday, May 1, 2011

Lady In Red

Di ko naman napansin na puro red ako kahapon ahahahaha

Kasi nail polish ko RED, wallet ko RED ang phone ko RED ahahahaha





I love RED!!!!

and because RED is the color of LOVE :)))