Kapag nagmahal ka, siguraduhin mong alam mo ang mga possible consequences na mangyayari dahil sa pagmamahal na yun. Wag kang maging makasarili hangga’t sa maaari. Masaya naman magmahal, kaya lang lagi ng kakambal nito ang sakit, sakripisyo at mga pagsubok. Hindi mawawala ang mga ito sa larangan ng pagmamahal.
Kapag nagmahal ka, susugal ka talaga. Wala naman kasing nakakaalam kung sya na ba talaga hanggang sa huli. Meron nga dyan, sobrang tagal na ng relasyon pero nauuwi rin sa hiwalayan. Kahit kasal na nga diba naghihiwalay pa rin? Nasa diskarte na lang yan kung hanggang saan mo kayang isipin na sya na talaga ang gusto mong makasama habang buhay. Kung hindi mo na maisip ang bagay na ito, ibig sabihin wala na ang pagmamahal. Kaya sumuko ka na lang dahil mukhang bankrupt ka na.
Kapag nagmahal ka, wag na wag kang maniniwala sa salitang forever. Kapag naniwala ka sa salitang yan sobrang sakit ang mararamdaman mo. Para sa akin,yung mga taong matatapang lang ang nagkakaroon ng forever. Minsan pa nga ay iilan lang talaga sa kanila ang nagkakaroon nun. Handa kasi silang patunayan ang forever na yan. Minsan na akong naging matapang, pero ang napatunayan ko lang ay hindi totoo ang forever. Yun lang.
Kapag nagmahal ka, wag kang mag promise. Gawin mo na lang yung nararapat. Kapag nangako ka kasi walang kasiguraduhan yun. Hindi mo hawak ang oras at panahon. Hindi mo rin mape-predict ang future kaya wag kang magbitaw ng mga pangako sa taong mahal mo. Dahil ang lahat ay nagbabago habang tumatagal. Kaya posible na magbago rin ang ihip ng hangin at tangayin na lamang ang mga pangakong binitawan mo at maglalaho na lang ito ng parang bula.
Kapag nagmahal ka, bigyan mo naman ng 101% effort. Ang ibig sabihin ko lang dito, gawin mo ang lahat ng makakaya mo para magtagal ang relasyon ninyo at wag na wag nyong kalimutan na isali ang diyos sa relasyon nyo. Para sa araw-araw ng buhay nyo eh may gagabay sa relasyon ninyong dalawa at sya ang bahalang magpatatag nito. Kung kasama nyo palagi ang diyos, hindi sya magsasawang tulungan kayo sa oras na hindi na kayo nagkakaintindihan. Ang diyos ang magsisilbing taga ayos ng gusot nyo sa isa’t isa. Sya lang ang makakapitan nyo kapag nagkaproblema kayo.
Kapag nagmahal ka, gagawin mo ang lahat para maiparamdam sa taong mahal mo kung gaano mo sya kamahal. Hinding hindi ka susuko sa kanya. Iintindihin mo sya sa mga gusto nya. Kakayanin mong mag-adjust sa pagkakaiba ninyo at tatanggapin mo ang lahat sa kanya dahil mahal mo sya at nararamdaman mong totoo ang pagmamahal na iyon.
Kapag nagmahal ka, matuto kang magpalaya. Matuto kang tumanggap ng mga hindi inaasahang pangyayari. Lahat ng bagay ay nangyayari dahil nakatakda itong mangyari. Hindi natin alam kung bakit pero ito talaga ang katotohanan. Hindi naman laging sang-ayon sa mga gusto mo ang mga dapat na mangyari. Minsan kailangan din nating palayain ang isang taong sobra nating minamahal dahil hindi sa lahat ng panahon, mapapasaya mo sya. Tandaan mo, lagi kang makakasakit kahit hindi mo sinasadya. Kahit ayaw mong masaktan ang mahal mo, masasaktan at masasaktan mo pa rin sya. Yan ang buhay. Deal with it!
No comments:
Post a Comment