Paano ba maging tao at magpakatao.
Sabi nga nila, madaling maging tao, pero mahirap magpakatao. Bakit nga ba? Ano nga ba ang tunay na dahilan at may mga taong nagpapaka plastik lang para lamang makihalubilo.Ito ba ay kanilang kinagisnan na o mpluwensiya lamang ng iba. Ito ba ay talagang pag uuugali na o may pinakikibagayan lang.
Sa buhay natin ngaun, hindi na siguro kailangan kung dapat na maging totoo ka sa kapwa mo, basta alam mong hindi ka nakakasakit ng damdamin ng iba.Maaring ito ay bahagi lamang ng buhay natin na kinakailangang maging handa sa anumang nakikita at nararamdaman. Kailangang lumaban at makipasabayan sa daloy ng buhay.
Ngunit paano kung ikaw ay nasasaktan sa tuwing ikaw ay nasasagasaan at pinagtutulungan?Paano tatanggapin ang katotohonang galing sa pamilya ang sakit na nararamdaman. Paano mo lulunukin ang pride mo para mapatawad sila. Kinakailangan ba na maging totoo sa emosyon o kaya naman ay piliting makibagay at sumang ayon na lang.May mga tao pa bang hindi nagpapaapekto sa mga problema at may mga tao pa bang may lakas ng loob para ayusin ang sigalot, o kuntento na sa magulong pamilya.
Ano nga ba talaga ang purpose nating mga tao?Bakit ang hirap magpakatao at magpakatotoo.
No comments:
Post a Comment